Home>News>Nation>Mastermind sa QC firm investment scam timbog

Mastermind sa QC firm investment scam timbog

NADAKIP ng pulisya ang mastermind na nasa likod ng multibillion-peso investment scam ng One Dream Global marketing sa Quezon City.

Ito ang kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major General Vicente Danao Jr., kasunod ng pagkaka-aresto sa operasyon ng pinagsanib na tauhan ng Crime Investigation Section (CIS), Warrant and Subpoena at District Traffic Enforcement Unit ng Quezon City Police District (QCPD) sa suspek na si Arnel Gacer.

Si Gacer ang company owner ng One Dream Global Marketing.

Inaresto si Gacer sa bisa ng 14 na warrants of arrest kabilang ang kasong syndicated estafa na inilabas ni Judge Santiago Arenas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 217.

Makati City Pabakuna

Pasado 11 p.m. ng Miyerkules, Pebrero 3, 2021 isinagawa ang pagdakip kay Gacer sa loob ng isang restaurant sa Panay Avenue kanto ng Timog Avenue sa lungsod Quezon.

Nauna ng sinampahan ng kasong syndicated estafa si Dacer sa Department of Justice noong Hulyo 2015 dahil sa P3.5 bilyon investment scam matapos ang mga inihaing reklamo ng mga imbestor dahil sa hindi na pagre-remit ng ipinangakong kita sa pamamagitan ng kumpanyang One Global company.

Narekober ng pulisya mula sa posisyon ni Dacer ang isang shotgun, 2 baril at cash na nagkakahalaga ng P500,000.

Publication Source :    People's Tonight