Home>News>Provincial>Mataas na kalibre ng mga baril, alahas narekober sa mga menor de edad

Mataas na kalibre ng mga baril, alahas narekober sa mga menor de edad

NAREKOBER ng mga tauhan ng San Jacinto Police Station ang matataas na kalibre ng mga baril at mga alahas bandang 10:45 a.m. noong Linggo sa Bgy. Sto. Tomas, San Jacinto, Pangasinan.

Ayon sa report, isang tawag sa telepono ang natanggap ng San Jacinto PS mula kay Bgy. Sto. To,as Captain Zandro De Guzman na isang grupo ng mga kabataang menor de edad ng sangkot sa kaguluhan dahil sa hindi nagkasundo pag-parte ng umano’y nakaw na mga alahas.

Narecover sa mga menor de edad ang isang infant M16 riffle, long magazine ng M16, 7 live ammunition ng M16 at 1 Colt cal. 45 pistol (SN 972613), dalawag magazine ng Cal. 45, 12 live ammunition ng Cal. 45 at isang gold chain necklace na merong square pendant.

Makati City Pabakuna

Sa isinagawang imbestigasyon, napag-alaman na ang mga baril at alahas ay nakuha sa bahay ng late former Vice Mayor Rolando E. Columbres sa Sitio Dalumat, Bgy. Sto Tomas, San Jacinto, Pangasinan noon pang September 2020.

Ang lahat na mga sangkot na menor de edad ay maayos na nakipag-ugnayan sa Municipal Social Welfare Development (MSWD) San Jacinto, sa tulong ng mga tauhan ng Women and Children Protection Desk (WCPD).

Ang mga narekober na ebidensiya ay nasa ilalim na ng kustodiya ng San Jacinto PS para sa tamang disposisyon.

Publication Source :    People's Tonight