Home>Entertainment>Showbiz>Matteo gusto muling pakasalan si Sarah
Showbiz

Matteo gusto muling pakasalan si Sarah

Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

SA December 20 ay 10th month anniversary wedding ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo who got married nung February 20, 2020.

Pero hindi pa umano sila handa na magkaroon ng baby dahil gusto pa nilang matupad ang pagkakaroon ng isa pang wedding kung saan kumpleto ang kanilang respective families and close friends.

Hanggang ngayon ay inaasam ng actor-entrepreneur na magiging okey ang lahat between him and Sarah’s family laluna ang kanyang parents. Looking forward din siya na magkaroon sila ng get-together with both families.

Hanggang ngayon ay tila tahimik pa rin ang parents ni Sarah about their daughter’s marrying Matteo. Pero naniniwala ang actor na in God’s time ay magiging okey ang lahat.

Charee nanganak na

NAGSILANG na ang actress-politician na si Charee Pineda (30) ng kanilang first bundle of joy, a baby boy, ng kanyang husband, ang non-showbiz guy at dating konsehal ng Valenzuela City na si Martell Soledad nung nakaraang Sabado, November 28.

Sina Charee at Martell ay ikinasal sa civil wedding rites nung nakaraang February 28, 2020 sa Valenzuela City Hall officiated by Mayor Rex Gatchalian.

Si Charee ay kasalukuyang naninilbihang councilor ng 2nd district ng Valenzuela sa ikalawang termino. Bago ang pagiging konsehal ng Valenzuela, si Charee ay nanilbihan ding SK chairman.

Si Charee ang nakatambal ni JM de Guzman sa “Angelito: Batang Ama” at “Angelito: Ang Bagong Yugto”. Nakagawa rin siya ng ilang serye sa ABS-CBN maging sa GMA. She also appeared in several movies. Si Martell naman ay pinsan ni Shalani Soledad, dating konsehal ng Valenzuela at misis ni Rep. Roman Romulo ng Pasig City. Uncle naman nila ang veteran journalist at dating politician na si Francisco `Kit’ Tatad.

Snooky patuloy na lumalaban

TINEDYER pa lamang ang dating child superstar-turned award-winning actress na si Snooky Serna nang magsimula siyang makaranas ng bulimia nervosa at bipolar disorder na mahigit dalawampung taon na umano niya itong nilalabanan. Ito umano ang naging cause ng kanyang biglang pangangayayat noon. Dumating pa noon ang pagkakataon na gusto na niyang mag-quit sa showbiz dahil sa pinagdadaanan. But she’s glad na patuloy umano siyang ginagabayan ng kanyang psychiatric doctor.

Inamin ni Kookie (palayaw ni Snooky) na dalawang taon pa lamang umano siya nang siya’y magsimulang mag-artista pero pinalabas that she was four years old. Na-miss din umano niya ang kanyang childhood at pagiging teen-ager dahil maaga siyang nagtrabaho. Hindi rin niya na-experience ang pagiging isang normal kid na nakikipaglaro sa ibang bata at na-miss din niya ang kanyang teen-age life. To her, it was all work at kapag nasa bahay naman siya ay nagpapahinga siya.

Snooky is often misunderstood dahil sa kanyang mga pinagdaanan noon.

She also experienced two failed marriages – one with actor Ricardo Cepeda kung kanino niya may dalawang anak na sina Sachi at Samantha (na pareho nang tapos sa kanilang pag-aaral at parehong professionals) and her recond marriage with musician Nino Mendoza na hindi rin nagtagal.

Snooky is now in a relationship with businessman at dating politician na si Ramon Villarama, her former suitor when she was 19 years old.

Si Snooky ay isa sa mga original Regal babies noon na kinabibilangan din nina Maricel Soriano, Dina Bonnevie, Gabby Concepcion, William Martinez, Albert Martinez (Snooky’s first love) at iba pa.

Piolo wala na sa ABS-CBN Christmas ID

KAPANSIN-PANSIN ang pagkawala sa bagong Christmas ID ng ABS-CBN ng (dating) prized talent ng Kapamilya na si Piolo Pascual. Pero ang maganda, kasama ang only son ni Piolo na si Inigo.

Pinamagatang “Ikaw ang Liwanag at Ligaya,” the new Christmas ID was launched last Tuesday night pagkatapos ng “TV Patrol” at bago magsimula ang “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Marami ang naantig sa pinakabagong Christmas ID ng ABS-CBN lalupa’t kasama ang istasyon sa may pinagdadaanan ngayon dahil sa pagkawala ng kanilang prangkisa.

Bukod sa mga Kapamilya stars and talents, nagsanib-puwersa naman ang mga kilala at de kalibreng mang-aawit (identified with ABS-CBN) tulad nina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Regine Velasquez and Ogie Alcasid, Martin Nievera, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Vice Ganda, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Darren Espanto, Inigo Pascual, Moira de la Torre, Bamboo, Janine Berdin, KZ Tandingan, Morisette at iba pa.

Bettina single mom no more

ACTRESS and book author Bettina Carlos is no longer a single parent to her 9-year-old daughter na si Amanda Lucia `Gummy’ Carlos after she married her non-showbiz fiancé na si Mikki Eduardo last Wednesday, December 2 sa isang garden wedding in Tagaytay City overlooking the Taal Lake.

Although hindi si Mikki ang biological father ni Gummy, he treats Bettina’s daughter just like his own. Masayang-masaya rin si Gummy for her mom at ang pagkakaroon niya ng father figure.

Hindi ikinakaila ng aktres na si Mikki ang kasagutan sa kanyang mga panalangin.

Base sa kanyang personal experience, nakapagsulat ng libro si Bettina titled “Heartbreaks & Breakthroughs: Making Sense of God’s Purpose for Pain” which was launched last year.

It took her more than five years bago niya napatawad ang ama ng kanyang anak na si Gummy and she’s glad she did it dahil mas magaan ang kanyang pakiramdam ngayon sa piling ng kanyang husband at anak. Nawala kasi ang excess baggage na bitbit niya for many years.

Watch, subscribe, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram @asteramoyo.

Comments are closed.