Home>News>Nation>Mayor Oca nagsampa ng Cyber-Libel vs 5 konsehal

Mayor Oca nagsampa ng Cyber-Libel vs 5 konsehal

Oca Malapitan
Mayor Oca Malapitan

NAGHAIN si Mayor Oca Malapitan ng kasong cyber-libel Pebrero 17, 2020 sa limang miyembro ng Caloocan City Council matapos umanong punahin ng mga ito ang proyekto ng pamahalaang lungsod tungkol sa digital tablet para sa mga pampublikong mag aaral ng Grade 9-12 ng syudad.

Isinampa ni Mayor Oca ang reklamo sa Caloocan City Prosecutor’s Office upang korte na mismo ang mag-desisyon kung may katotohanan ba o ‘fake news’ ang mga umano’y puna ng mga konsehal sa social media.

Si Mayor Oca ay naghain ng reklamo laban kina Rose Mercado, Carding Bagus, Alex Mangasar, Alou Nubla at PJ Malonzo

Kung ako lamang ang sinisiraan ng aking mga kalaban sa pulitika ay maliit na bagay iyan. Sanay na tayo sa mapanirang puring mga kalaban sa pulitika. Ngunit, ang malisyosong sirain ang isang makabuluhang proyekto ng syudad para makatulong sa edukasyon at pag aaral ng mga batang taga Caloocan sa panahon ng pandemya ay hinding hindi ko papayagan,” pahayag ng Punong-Lungsod.

Makati City Pabakuna

Ang programang pamamahagi ng digital tablets ay sumailalim sa masusing ‘bidding’ at ating tiniyak na tama at maayos ang lahat ng digital tablets na binili ng pamahalaang panglungsod ng Caloocan,” paliwanag pa ni Mayor Oca.

Kampante ang alkalde na madali niyang mapapatunayan sa korte na maayos at malinaw ang naging proseso sa pagkuha ng tablets, kontra sa alegasyon ng mga konsehal.

Nag-ugat ang isyu matapos maglabas ng umano ng video sa social media ang limang konsehal, kung saan pinalalabas nila na mas mababang klase ang binili ng Pamahalaang Lungsod na 4G at LTE capable tablets kumpara sa isang model na 3G capable digital tablet lang, na ayon sa kanila ay siyang dapat binili para sa mga mag-aaral ng lungsod.

Tayo ay nagsampa na ng habla laban sa mga indibidwal na ginagamit ang panahon ng pandemya para sa political mileage. Korte na ang huhusga at magpapataw ng hustisya,” ani Mayor Oca.