Home>News>Provincial>Mga estudyante at guro sa Timako, masayang-masaya sa outreach program
Provincial

Mga estudyante at guro sa Timako, masayang-masaya sa outreach program

Timako outreach program

Masayang ipinagdiwang ng mga guro at mag-aaral ng Timako Elementary School ang kulminasyon ng National Teacher’s Month ngayong araw, ika-4 ng Oktubre, na may temang “Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino.”

Nakilahok ang opisina ni MP Rasol Y. Mitmug, Jr. sa isinagawang outreach program sa naturang paaralan kung saan nagkaroon ng iba’t-ibang aktibidades tulad nng tsunami awareness, earthquake drill, libreng gupit, feeding program at distribution of hygiene kits.

Nagpapasalamat naman si Faudzia D. Karim, Timako Elementary School Principal, sa pagpili sa kanilang paaralan upang mabigyan ng mga programa mula sa iba’t ibang ahensya na lubos na nagpasaya sa mga bata maging sa mga guro.

Katuwang ng opisina sa programang ito ang Alpha Company 99 IB, 5 ID Phil Army, H.E.L.P. Mindanao, SPIN Media ph BARMM, CARE Inc. ,6FAB PA, Kutawato Pulisya, CCPO Station 3, Regional Highway Patrol Group, at Maguindanao Maritime Police Station.

Timako outreach program


OFFICE OF MP RASOL Y. MITMUG, JR.
Bangsamoro Transition Authority
https://www.rasmitmug.com/

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph