Home>Editorial>Opinion>Middle revolution sa mga isinarang U-turns sa Edsa

Middle revolution sa mga isinarang U-turns sa Edsa

WALA namang argumento, maganda ang bus lane sa Edsa.

Una, hindi na bumabalagbag sa Edsa ang mga bus na parang may-ari ng ating mga kalsada. Nawala na rin ang pagmamaniobra ng mga bus papasok at palabas ng kanilang terminal na feeling garahe nila ang dating Highway 54.

Ang upside pa ng bus lane ay hindi na rin sa peligrong highway nag-aabang ng bus ang mga pasahero. Madalas, isa hanggang dalawang lane ng Edsa sa Megamall area, sa Boni area, sa Trinoma area, sa Munoz area, sa Cubao at sa Monumento, lalo na kapag rush hours.

Nawala na rin iyong mga biglaang tumatawid sa Edsa, lalo na sa madilim na bahagi ng Edsa GMA or NIA na parang pusang may walo’t kalahating buhay.

Ang downside naman, nawala na ang majority ng U-turns ng mga private cars sa Edsa para bigyang-daan ang bus at mga commuters.

Makailang ulit na tayong nakakita na humahagibis ang mga bus sa sarili nilang linya kaya nga marami-rami na ring concrete barriers ang napingas dahil sa 80 to 90kph ang takbo ng mga wala pa ring modong drivers.

Dahil nagsara ang majority ng U-turns, nagsiksikan naman lahat ang mga sasakyan sa mga inner roads gaya ng Mindanao Avenue, Quezon Avenue, Congressional Avenue, Roosevelt at ang mismong Edsa mula Munoz hanggang sa Balintawak. Parang pinasigla ang Edsa bus lane pero lupaypay naman ang mga arteries o mga kalsadang nakakabit dito, kasama na ang Elliptical Road at Visayas Ave.

Makati City Pabakuna

Ang narinig nating ultimate solution na sinasabi ng MMDA ay ang paglalagay ng elevated bus lane sa North Avenue at Munoz area. Pero mahabang panahon na naman ang aabutin ng construction nito. Baka patay na ang kabayo bago pa tumubo ang damo.

Sa tingin natin, ang immediate solution ay buksan ang U-turns sa lahat ng major intersection gaya ng Roosevelt, iyong malapit sa West Avenue bago mag-SM annex pero lagyan ng traffic light para titigil din ang mga speeding bus sa tapat ng bubuksang U-turns.

Naghahabol tayo ng pagpapalakas ng ekonomiya dahil sa mga nawala sa pandemic pero kung isinasakripisyo natin ang middle class para paboran ang working class at bus companies, para lang tayong nagsusuksok ng pera sa butas na bulsa.

Sa tingin ko, mas malaki ang nawawala sa kaban ng ekonomiya ng bansa kung sa isang panig lamang tayo nakatingin. Hindi tayo nagbigay ng solusyon sa problema bagkus ay lalo nating pinalulubha ang sitwasyon.

Walang masamang bigyan ng malaking pabor ang commuting public pero huwag naman aabot sa puntong pinapatay natin ang middle class na siyang tunay na pinagmumulan ng lifeline ng buong bansa.

Kung hindi pa kayo nakakakita ng middle class revolution, baka magulat kayo, ngayon pa lang mangyayari kapag hindi nagkaroon ng holistic solution ang MMDA sa dinaranas nila ngayon sa Edsa. allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV