Home>Editorial>Opinion>“Milyones” para sa media ng Bulacan, “nadukwang” nga ba?

“Milyones” para sa media ng Bulacan, “nadukwang” nga ba?

NAGSISINTIR” ngayon ang mga “kapatid” natin sa ‘Bulacan Press Club.’

At may “karapatan” naman silang “sumama” ang loob, magulat—at magalit—dahil sa hindi malamang dahilan, nadugas, ehek, nawala ang P1 milyon badyet—bawat taon– para sa mga mamamahayag ng lalawigan nang “Ama ng Pamamahayag” sa Pilipinas, si Gat. Marcelo ‘Plaridel’ del Pilar.

Kamakailan, una nang natawag ang ating pansin sa “misteryoso” (dahil wala pang detalye) na ‘social media post’ ni kasamang Thony Arcenal, na nagtatanong hinggil sa “pondo” para sa ‘Gawad Plaridel.’

At medyo nabahala pa nga tayo, dahil “baka” merong ganitong proyekto noon ang National Press Club (NPC) na hindi na nalaman ng mga sumunod na lider ng samahan, eh, “delikado” ‘yan!

Sa pag-uusap naman namin ni Thony, na pangulo ngayon ng BPC at aktibo ring miyembro ng NPC, lumabas na ang kanyang pinatutungkulan ay ang “inilaan” noon na pondong P1 milyon bawat taon ni ex-Gov. Josie dela Cruz, upang gastusin sa proyektong kumikilala sa husay, talento at galing ng mga mamamahayag ng Bulacan.

Ito ay bilang pagpapakita ng respeto sa mga ambag at kabayanihan ni Gat. Plaridel para sa ating bansa.

Imposible rin aniyang makalimutan niya ito dahil sa panahon ng administrasyon ni Gov. Josie at Gov. Jonjon Mendoza, tuloy-tuloy ang pagkilala sa hanay ng media sa Bulacan—at binigyan pa nga ng P5,000 “pensyon” kada buwan ang mga ‘senior citizens’ na mga kasapi ng BPC.

Hindi niya makakalimutan dahil minsan ay naging ‘finalist’ siya ng ‘Gawad Plaridel’ na ang naging premyo pa nga ay bakasyon sa Hongkong, wow!

***

Sa kanyang kolum sa lokal na pahayagan, nabanggit ni Pang. Thony na sapul naman ng pumasok ang administrasyong Alvarado-Sy sa pulitika ng Bulacan noong 2010, “wala” as in ‘zero’ na ang Gawad Plaridel—subalit meron pa ring pondo, ahahay!

Makati City Pabakuna

Sa kanya pa ring “pagtatanong” at “pagsasaliksik” nabatid na ang dating pondo na P1milyon ay ginawa lang (daw) na P250,000 kada taon at “pinalitan” pa ang pangalan na ‘Gawad Marcelo H. Del Pilar’ (na wala namang ipinag-iba dahil isang bayani lang naman ang “pinararangalan“).

Ayos” na rin marahil kung nagkaganito man, hindi ba, PCOO Secretary Martin Andanar?

Kaya lang, ang bagay naman na gustong malaman ni Pang. Thony at mga kaanib ng BPC, “bakit” wala rin namang nangyayaring ‘awarding ceremony’ para sa ‘Gawad Marcelo H. Del Pilar’ na “pakulo” ng mga Alvarado?

Kanino, agh, saan napupunta ang umano’y P250,000 gastusin (na lang ngayon) para sa proyekto?

At puwede kayang sabihin na sapul noong 2010, “nagkahetot-hetot” na at “naghirap” na ang Bulacan dahil itinigil na ang “ayuda” na P5,000 sa mga matatandang kasapi ng Bulacan media?

Sa pagtatapos naman, narito ang bahagi ng kolum ni kasamang Thony na akma sa kontrobersiyang ito:

Mabuti pa ang University of the Philippines kada taon kinikilala si Plaridel, samatalang dito sa sinilangan lugar ni Ka Celo, tila baga nakalimutan na ng mga nanunungkulan sa ating lalawigan ang kabayanihang ambag nito sa kasaysayan.

Ang ating translation? Matagal na palang nagagamit—at nabubukulan—ang mga kapatid natin sa media sa Bulacan?

Napakasakit, Kuya Eddie!

Publication Source :    People's Tonight