Home>News>Metro>Motorbike rider dedo sa rumaragasang tractor head

Motorbike rider dedo sa rumaragasang tractor head

PATAY ang isang rider nang salpukin ng rumaragasang tractor head ang minamaneho niyang motorsiklo Huwebes ng makapananghali sa Caloocan City.

Hindi na umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Gerard Directo, 49, ng Tuazon St., San Andres, Manila sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Nadakip naman ng pulisya ang driver ng tractor head na si Wilson Nunez, 31, ng Pinagbarilan, Baliuag, Bulacan na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Makati City Pabakuna

Sa tinanggap na ulat ni Caloocan police chief P/Col. Samuel Mina, tinatahak ng biktima ang kahabaan ng C-3 Road patungo sa gawi ng Rizal Avenue Ext. dakong alas-12:30 ng tanghali nang biglang salpukin ng rumaragasang tractor head (NAF-8240) ang likurang bahagi ng kanyang motorsiklo.

Sa lakas ng pagkakabundol, tumilapon ang biktima at bumagsak sa sementadong lansangan na nagdulot ng matinding pinsala sa kanyang ulo at katawan.

Publication Source :    People's Tonight