Home>News>Metro>MPD nagsagawa ng media forum ukol sa bgy lockdown

MPD nagsagawa ng media forum ukol sa bgy lockdown

MPD

TINALAKAY ni Manila Police District (MPD) Director P/Brig.General Leo M.Francisco sa kauna-unahang media forum ng MPD Press Corps ang mga direktibang ipinag-utos ni Manila Mayor Isko Moreno kaugnay sa pagsasagawa ng lockdown sa mga kasunod ng mga iniulat na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon pa kay Francisco, makikipag-ugnayan sila sa Manila Health Department (MHD) at sa bawat barangay ukol. Dagdag niya na di sila magdadalawang-isip na i-lockdown ang isang barangay kapag ito ay napatunayang may kaso ng COVID.

Makati City Pabakuna

Nabanggit din ni Francisco na maglalagay din sila ng mga kapulisan na may dalang pito at yantok at magbabantay sa mga lugar na ilalagay sa lockdown.

Ani Francisco, pinaalalahanan din siya ni Mayor Isko na gawin ang lahat ng kanyang magagawa upang maging maayos,matiwasay at higit sa lahat ay mapayapang maisagawa ang lockdown kung kinakailangan.

Publication Source :    People's Tonight