Home>News>Nation>Nagpa-cute muna bago nangholdap

Nagpa-cute muna bago nangholdap

NAGPA-CUTE muna sa bading na service crew ng isang burger machine ang isang 39-anyos na holdaper bago nagdeklara ng holdap Martes ng madaling araw sa Navotas City.

Natangay ni Adonis Cabrera, residente ng130 Quintos St., Bgy. San Jose ang mobile phone na nagkakahalaga ng P8,000 na pag-aari ng biktimang si Jeovani Waniwan, residente rin sa naturang barangay.

Ang biktima ay tinutukan ng patalim habang inihahanda ang order na ham burger ng suspek.

Makati City Pabakuna

Sa nakarating na ulat kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, dakong 12:40 a.m. nang dumating ang suspek sa Burger Machine na binabantayan ng biktima sa kanto ng M. Naval at Santillan Streets, Bgy. San Jose at nagpa-cute muna bago umorder ng hamburger.

Habang inihahanda ng biktima ang hamburger, biglang naglabas ng patalim si Cabrera at nagdeklara ng holdap, sabay hablot sa cellular phone ng service crew at mabilis na tumakas.

Nakahingi naman kaagad ng tulong si Waniwan sa mga nagrorondang barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek subalit hindi na nabawi pa ang tinangay na mobile phone ng biktima.

Publication Source :    People's Tonight