Home>Editorial>Opinion>Nagtatrabaho ng husto si BoC Chief Rey Guerrero

Nagtatrabaho ng husto si BoC Chief Rey Guerrero

PATULOY pa rin ang pananalasa ng “drug monster” sa bansa.

Ito ay sa kabila ng kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Kaya naman patuloy ang ginagawa ng Bureau of Customs (BoC) na pagbabantay sa mga port of entry para hindi makapasok sa bansa ang mga ipinagbabawal na gamot.

Noong lang Nobyembre 3-5 at Nobyembre 11-12 ay nagkaroon ng Seaport Interdiction Seminar sa Port of Davao.

Ang limang araw na seminar ay ginanap sa pagtutulungan ng BoC-Port of Davao at PDEA Regional Office XI.

Ayon kay District Collector Erastus Sandino Austria, mahalaga ang mga natutunan sa seminar ng kanyang mga tauhan.

Ayon pa kay Austria, ang mga “surveillance techniques” will help the BoC’s Intelligence capability abreast with the present times.

The conduct of this seminar reinforces the current knowledge of our customs officers on the illegal trading of drugs,” ani Austria.

Itinuro sa seminar kung paano maa-identify ang mga “common illegal drugs” na ipinapasok sa bansa.

Nangako si Austria na magpapatuloy ang pagganap ng mga kaparehong seminar upang mapaigting ang anti-drug campaign sa Mindanao.

***

Sa Martes ay unang araw na ng Disyembre.

Makati City Pabakuna

Mayroon na lang 20 “working days” ang mga taga-Bureau of Customs para maabot ang kanilang 2020 collection target.

Walang kaproble-problema sina BoC Chief Rey Leonardo Guerrero kung ang pag-uusapan ay target collection.

Ayon sa ating mga miron sa aduana, ang magandang tanong eh aabot kaya ng P530 bilyon ang tax collection ng BoC sa taong ito?

Umabot na kasi ng P448 bilyon ang koleksyön mula Enero hanggang Oktubre.

Ang ibig sabihin niyan eh kailangan na lang makakolekta ng P58 bilyon sa Nobyembre at Disyembre para maabot ang 2020 collection target na P506 bilyon.

Kayang-kayang bunuin ‘yan ng mga bata ni Sir Jagger.

Kaya nga walang dahilan para magbago pa ng liderato sa BoC, ayon sa mga nagmamasid sa aduana.

Malas lang ang mga kritiko ng Guerrero administration.

Kita namang nagtatrabaho ng husto si BoC chief.

Tama ba, BoC Assistant Commissisoner at Spokesman Atty. Vincent Maronilla?

***

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Publication Source :    People's Tonight