Home>Technology>Gaming>Nangungunang 3 Boksingerong Pilipino (Noong Araw)
Gaming

Nangungunang 3 Boksingerong Pilipino (Noong Araw)

Mahaba at makulay ang kasaysayan ng Pilipinas sa larangan ng boksing, na talaga namang kinagigiliwan ng mga Pilipino bilang isang libangan at bilang isa sa mga pinakasikat na palakasang pinupustahan sa mga sportsbook kagaya ng 20bet. Umaabot ito mula sa katapusan ng ika-19 siglo kung kailan nagsimula ang mga unang Pilipinong paliparin ang kanilang mga kamao para sa sahod. Dumating ang boksing sa kapuluan hatid ng mga sundalong Amerikano na ginamit ang palakasan upang paigtingin ang ugnayan nila sa populasyon. Hindi surpresa na ang boksing ay nananatili bilang pinakasikat na sports sa Pilipinas—at heto ang 3 makasaysayang boksingero na umani ng karangalan para sa buong kapuluan noong araw.

1. Pancho Villa (91-8-4, 1919-1925)

Kilala bilang unang Pilipinong kampyong pandaigdig, ang tagumpay ni Pancho Villa ang nagbigay ng karangalan at pagkilala sa Pilipinas sa mundo ng boksing. Sa kasamaang palad, hindi nakita ng mundo ang galing at tapang ni Villa, sapagka’t namatay siya sa murang edad na 23 dahil sa komplikasyon dulot ng pagbunot ng ipin. Ngunit sa loob lamang ng anim na taon ng kanyang karera, nakipagsagupaan si Villa sa mahigit 100 na laban. Nanalo siya ng dalawang pambansang kampyonato kung saan nilabanan niya ang mas malalaking katunggali bago magtungo sa Amerika upang pasikatin ang kanyang pangalan. Matapos ang mga pagkabigo laban kay Frankie Genaro at Abe Goldstein, rumatsada si Villa ng sunud-sunod na panalo kalaban ang mga flyweight sa Amerika, at umani ito ng pandaigdig na pagkakilala nang talunin niya si Jimmy Wilde. Hinawakan ni Villa ang pandaigdig na titulo sa loob ng tatlong taon, ngunit ang kanyang huling laban kontra si Jimmy McLamin ay nauwi sa pagkatalo. Bagaman hindi ito laban para sa kanyang titulo, malinaw na hinadlangan si Villa ng kanyang ipin na nagkaroon ng impeksyon matapos niya itong ipabunot sa umaga mismo ng laban. Matapos ang dalawang araw, binunutan si Villa ng tatlong ipin kung saan ang mga komplikasyon ay nagdulot ng pagkalason ng kanyang dugo. Pumanaw si Villa sa araw nang ipanganak ang kanyang nag-iisang anak. Ayon sa balo ni Villa, pinatay si Villa sa pamamagitan ng isang overdose ng anesthesia sa utos ng isang sindikatong sangkot sa sugal.

2. Flash Elorde (88-27-2, 1951-1971)

Nanatili si Gabriel “Flash” Elorde bilang isa sa pinakamagagaling na boksingerong Pilipino. Hawak pa rin ni Elorde ang karangalan bilang pinakamahabang kampyon sa junior flyweight division, matapos niya itong hawakan ng mahigit pitong taon. Tinawag siyang “Flash” dahil sa kanyang tulin, na sinabayan ng kanyang kaliwete at ng kanyang asintadong left hook. Sinimulan ni Elorde ang kanyang karera sa edad na 16, at nagpunyagi siya ng 16 na laban bago siya pumasok sa pakikipagkompetensya para sa titulo.

3. Ben Villaflor (54-8-7, 1966-1976)

Bilang kaliwete na may malakas na suntok, naging propesyonal si Villaflor sa edad na 15 at natapos ang karera nito sa tuktok pagtungtong niya sa edad 23. Bagaman pinanganak ito sa Negros Occidental, inilunsad niya ang kanyang karera mula sa kapuluan ng Hawaii sa Estados Unidos matapos ang ikaapat na taon niya sa larangan ng boksing. Kilala para sa kanyang bakal na baba at sa kanyang kakayahang talunin ang kanyang mga katunggali sa pamamaraan ng matinding presyon, hindi siya naging subok sa laban bago ang kanyang unang pagkakataong lumaban para sa titulo. Tumikim muna siya ng anim na pagkakatalo bago siya nakabuwelo matapos talunin ang mga tumatandang katunggali katulad nina Frankie Crawford and Raul Cruz. Matapos nito, tinalo niya si Alfredo Marcano para sa titulo. Mukhang saglit lamang siya magiging kampyon matapos siyang talunin ni Kuniaki Shibata sa Pilipinas, ngunit ipinakita ni Villaflor ang kanyang tibay matapos niyang patumbahin si Shibata sa rematch. Sumunod dito ang kanyang pinakakahanga-hangang pagka-kampyon. Ngunit ang kanyang estilo ay hindi angkop para sa pangmatagalang karera, kung kaya’t sa edad 23, nagpasya si Villaflor na magretiro upang mangasiwa bilang manager ng mga boksingero.

Journal Online
A collection of noteworthy information on various topics from the Philippines and the rest of the world.
https://journal.com.ph