Home>News>Metro>Navotas netizens nagreklamo

Navotas netizens nagreklamo

PINAALALA ng mga netizens ng Navotas sa kanilang punong-bayan na si Toby Tiangco ang pinangako umano nitong ayuda sa gitna ng pandemya.

Binanggit nila ang pangako umano ng kanilang pinuno na ido-donate nito ang kanyang sahod bilang alkalde mula Abril 2020 hanggang 2022 para sa mga nasasakupan na naapektuhan ng pandemya.

Makati City Pabakuna

Inireklamo rin ng mga netizen ang panghuhuli umano ng mga tauhan ni Tiangco sa mga paglabag sa pagsuot ng face mask at face shield kagaya ng hinuli habang nag-aabot ng bayad sa kanyang online delivery gayong nasa bakuran pa ito. At ang isa naman at nagbaba lang ng suot suot na face mask para magpunas ng pawis ay hinuli umano agad.

Sa Mandaluyong nga at sa ibang lugar, namimigay pa ang mga pulis ng face mask at face shield,” ayon sa isang Navoteño na ayaw ipabanggit ang pangalan.