Home>Entertainment>Showbiz>Netizens namamangha sa kaseksihan ni Jillian

Netizens namamangha sa kaseksihan ni Jillian

Jillian Ward
Jillian Ward

HINDI raw inasahan ng Prima Donnas star na si Jillian Ward ang mabilis na pagdami ng kaniyang social media followers. May mahigit 6 million followers na siya sa kanyang official Facebook page, 2 million sa Instagram, at higit 500,000 sa TikTok.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ibinahagi ng teen actress ang kaniyang tuwa sa mga walang sawang sumusubaybay sa kaniyang career, “Ine-expect ko lang po is lagi kong gagalingan pero hindi ko po ine-expect ‘yung gaano po kadami ‘yung followers na mage-gain ko, or ano po ‘yung magiging ratings po namin.”

Pinagpapasalamat din daw niya ang lahat ng nakukuhang blessings lalo na ngayong may pandemic at nagpapagawa siya ng bahay sa Pampanga. “Kumbaga, lahat ‘to, parang surprises po ni God. Laging hindi po ako prepared sa mga binibigay niyang super big blessing sa amin so lagi po akong nagugulat.”

Pero nagugulat din ang netizens sa mabilis na pagdadalaga ni Jillian at talaga namang nakamamangha ang kaseksihan niya ngayon.

Limited VR device para sa VIP ticket holders

SPECIAL guests ni Alden Richards sa kauna-unahang virtual reality concert sa bansa na ‘Alden’s Reality’ ang celebrity brothers at Kapuso performers na sina Rodjun at Rayver Cruz.

Sa darating na December 8, ise-celebrate ng Asia’s Multimedia Star ang kaniyang ika-10 na anibersaryo sa showbiz sa pamamagitan ng concert na ito. Bukod sa mga inihanda niyang world-class performance numbers, kasama rin niyang magpapakitang-gilas ang OPM band na December Avenue at magkapatid na Rodjun at Rayver.

Samantala, ang mga bumili ng VIP tickets sa concert na ito na narito sa Pilipinas ay makakatanggap ng limited edition VR device na magagamit nila para sa mas pinagandang viewing experience. Kaya naman balita namin, sold out na ang VIP tickets para sa 11 PM slot. For tickets, pumunta sa http://www.gmanetwork.com/synergy bago pa maubusan.

Makati City Pabakuna

Winwyn nanguna sa marine reservist training

Winwyn Marquez
Winwyn Marquez

NATAPOS na ng Kapuso actress na si Winwyn Marquez ang kaniyang marine reservist training sa ilalim ng Philippine Naval Reserve Command. Pinabilib niya ang kaniyang fans dahil isa siya sa top trainees sa kaniyang klase.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni WinWyn na isang karangalan ang maging parte ng nasabing training. “The training was no easy feat as I was expected to experience hardship just like everyone with no special treatment or privileges. I was seen not as ‘Winwyn the actress and beauty queen’ but as Cadet Marquez – a fellow Filipina and sister to my batch mates. Thanks to the support of my batch, family, and other like-minded people around me, I have completed the course with realizations I never knew I would learn and also a new set of classmates-turned-family. Through this breakthrough, I will be able to exemplify that anyone, regardless of the field of expertise, gender, or age can join and be someone they thought they can never be as long as they have the heart to serve.”

Ngayon naman ay naghahanda na si Winwyn sa upcoming rom-com series ng GMA Public Affairs na ‘Owe My Love’ kasama sina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Andrea bilang misis na nananakit ng mister sa fresh episode ng #MPK

Andrea Torres and Juancho Triviño
Andrea Torres and Juancho Triviño

ISANG bagong episode ang handog ng “Magpakailanman” ngayong Sabado (November 28) na pagbibidahan nina Andrea Torres at Juancho Triviño.

Ayon kay Andrea, naiiba ang role niya bilang si Arlene sa episode na “Mister, Bugbog Kay Misis” ngayong Sabado, November 28, 8:15 pm sa #MPK., “Isang kakaibang kuwento kung saan gagampanan ko ang role ng isang misis na nananakit ng kanyang mister. Abangan n’yo po ‘yan.”

Gaganap naman si Juancho bilang asawa ni Arlene na si Mark. Pagbabahagi nito, “Challenging for me dahil never akong naka-experience ng ganito. Noong inaaral namin ‘yung script at characters namin, awang awa kami kay Mark sa totoong buhay. I really felt for him.”

Kasama rin sa episode si Angela Alarcon na first time mapapanood sa #MPK, “I’m gonna portray Anna. Si Anna ‘yung first love ni Mark na kababata rin niya. Si Anna, handa siyang magsakripisyo para sa mga mahal niya sa buhay. Sobrang mahal nga niya si Mark at ‘yung pamilya niya.”