Home>News>Events>Libreng bakuna para sa LBC employees, frontliners ikinasa

Libreng bakuna para sa LBC employees, frontliners ikinasa

Inanunsyo ng LBC express, Inc. na nakakuha na ito ng supply ng mga bakunang kontra COVID-19 para sa mga empleyado nito. Kasalukuyan silang nakikipag ugnayan na sa gobyerno upang maisagawa na ang roll-out nito.

Ayon sa LBC, prayoridad nilang mapabakunahan ang lahat ng kanilang mga empleyado, lalo na ang mga “frontline staff”, upang masiguro ang kaligtasan ng mga ito at maging ang kanilang mga customers.

Isa lang ang libreng bakuna sa maraming programa ng LBC para sa mga empleyado nito.

Noong inanunsyo ng gobyerno ang lockdown at nagsimula ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa bansa noong Marso ng nakaraang taon, isa ang LBC Express sa mga nagpatuloy ang serbisyo bilang courier, cargo, at money remittance provider.

Dahil sa quarantine regulations, naging limitado ang galaw ng mga customers at naapektuhan maging ang ibang mga negosyo, kaya naman mas kinailangan ang serbisyo ng mga logistics company kagaya ng LBC upang maihatid ang iba’t ibang pangangailangan sa gitna ng krisis.

Mula noong simula ng ECQ, sinigurado ng LBC na ang bawat empleyado nila ay may regular na COVID-19 testing, PPE, at disinfection sa lahat ng kanilang mga pasilidad. Patuloy din silang nagbibigay ng libreng sakay sa kanilang mga empleyado, at medical assistance para sa on-site at Work-From-Home staff.

Sa kabila ng krisis na noong 2020, na nag-resulta sa pagkawala ng trabaho ng mahigit tatlong-milyong Pilipino, hindi nag-bawas ng empleyado ang LBC at mas pinaigting pa ang kanilang serbisyo. Binigyan nila ang kanilang mga trabahador ng iba’t ibang paid leaves kabilang ang Home Quarantine Leaves at patuloy ang kanilang health monitoring sa tulong ng LBC medical team.

Bumuo rin sila ng sarili nilang medical teams upang mangasiwa sa lahat ng pangangailangang medikal kagaya ng testing at monitoring ng kanilang mga empleyado.

Patuloy na isinasagawa ang COVID testing sa lahat ng mahigit 1,500 LBC branches at mahigit 220 warehouse/hubs sa bansa upang mapigilan ang pagkalat ng virus.