Project RICE Up, tumatanggap pa rin ng donasyon

April 21, 2020
Project RICE Up
Project RICE Up

NAGPAPASALAMAT ang GMA Artist Center (GMAAC) sa mga sumusuporta sa 'Project RICE Up.’ Layong matulungan ng proyektong ito ang mga Pilipinong walang trabaho dahil sa implementasyon ng enhanced community quarantine.

Sa isang Instagram post, ibinalita ng GMAAC na mayroon ng pondo para sa 400 na sako ng bigas ang GMAAC na siyang ipapamahagi ng GMA Kapuso Foundation sa iba’t ibang komunidad na nangangailangan. Kung nais mag-donate, maaari lamang bisitahin ang link na ito https://ticket2me.net/e/6520/tickets.