11-anyos minolestiya ng bading na delivery boy

March 09, 2019

SINILAW sa salapi ng isang bading na delivery boy ang 11-anyos na batang lalaki upang makuha ang pagnanais na himasin at i-oral sex ang maselang bahagi ng katawan ng bata kamakalawa ng gabi sa Makati City

Bakal na rehas na lamang ngayon ang hinihimas ng suspek na nakilalang si Jean Thompson Claude, 21 ng 4214 Ponte St. Bgy. Tejeros makaraan siyang dakpin ng mga tauhan ng Bantay Bayan kahapon ng madaling araw sa kanyang tirahan.

Sa ulat na tinanggap ni Makati police chief Senior Supt. Rogelio Simon, dakong alas-11 ng gabi nang himukin ng suspek ang biktimang itinago lamang sa alyas “Boyet” na sumama sa kanya sa loob ng kanyang tirahan dahil bibigyan niya ang bata ng malaking halaga ng salapi.

Sa pag-aakalang totoo ang pangako ng suspek, kusang sumama si Boyet kay Claude subalit nagulat na lamang siya ng atasan siyang hubarin ang kanyang suot na damit bago hinimas ang kanyang pagkalalaki hanggang gawan siya ng oral sex.

Nang makauwi ng kanilang bahay si Boyet, kaagad niyang isinumbong sa kanyang ina ang nangyari kaya’t dalawa silang nagtungo sa barangay hall upang maghain ng reklamo.

Pinuntahan naman kaagad nina Barangay Bantay-Bayan Herbert Dela Cruz at Jomar Hiles sa kanyang bahay ang suspek na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Kasong paglabag sa R.A. 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act and isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Makati City Prosecutor’s Office.