Home>News>Metro>15-anyos kinasuhan ng rape sariling ama

15-anyos kinasuhan ng rape sariling ama

NAGSAMPA ng kasong rape ang isang kinse anyos na dalagita laban sa kaniyang sariling ama na umanoy umabuso sa kanya sa loob ng halos siyam na buwan sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5 commander P/Lt. Col Melchor Rosales, dakong 7:40 ng gabi (Aug. 31) nang kanilang arestuhin ang suspek base na rin sa reklamo ng mag-ina.

Lumalabas na Nobyembre 2019, nang unang halayin ng suspek ang kanyang anak at matapos noon ay ilang beses pa itong naulit.

Sinasabi na pagkatapos na gawin ng suspek ang kahalayan sa anak nito ay tinatakot niya ang biktima na huwag na magsusumbong kundi ay papatayin silang magkakapatid sanhi upang piliin na manahimik na lamang ng bata at tiisin ang ginagawang kabubuyan sa kanya ng ama.

Nabatid na muling naulit ang panghahalay dakong 3:00 ng madaling araw ng (August 31), habang nasa kahimbingan ng pagkakatulog sa kuwarto ang biktima nang magising dahil sa naramdaman na mayroong humahaplos sa maselan na parte ng kanyang katawan at nakita ang ama.

Nakapiit na ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa (RA 8353) o rape at RA7110 o child abuse.

Publication Source :    People's Tonight