19-anyos pinag-BJ ng tiyuhin

October 25, 2019

“ANG sarap mag-lips to lips.” Matapos sabihan nito ng kanyang tiyuhin ay binilisan ng 19-anyos na dalaga ang kanyang lakad. Ngunit hinablot ng 50-anyos na suspek ang kanyang pamangkin at kinaladkad ito sa junkshop. Doon, pinasubo ng lalaki ang kanyang ari hanggang makaraos sa loob ng bibig ng teenager.

Naglalakad ng pauwi sa kanilang bahay ang 19-anyos na biktimang itinago lang sa pangalang “Gina” ng salubungin ng kanyang tiyuhing si Ignacio Tamayo ng M.H. del Pilar St. Malanday.

Nagpatuloy sa paglakad ang biktima subalit puwersahan na siyang kinaladkad ng tiyuhin papasok sa isang junkshop sa M.H. del Pilar St. Inilabas umano ng lalaki ang maselang parte ng kanyang katawan ay pilit na ipinasok sa bibig ng pamangkin.

Naramdaman na lamang ni Gina ang mainit at malapot na likido sa kanyang bibig kaya’t nang makauwi sa bahay ang dalaga kaagad niyang isinumbong ang kalapastanganan ng tiyuhin sa kanyang magulang.

Kaagad namang humingi ng tulong sa Valenzuela Police Community Precinct (PCP) 6 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.