2 babae huli sa kotong

Dalawang babae ang nadakip matapos na ireklamo ng pangongotong,  at mahulihan pa ng ilegal na droga sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang mga suspek na sina  Summerlyn Antonio, 28-anyos, ng Bgy. Nagkaisang Nayon at Myline Romero, 33 ay naaresto ng mga tauhan ng Novaliches Police Station (PS 4) sa pamumuno ni P/Lt.Col. Rossel Cejas, dakong alas-11:45 ng gabi sa Dominga St. corner Maria St., Bgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Nauna rito, humingi ng tulong sa mga awtoridad ang complainant na si Sheryl Ann Roldan mula sa Caloocan City, matapos umano siyang tangkaing kikilan ng mga suspek ng P30,000 kapalit nang pagpapapalaya sa kanyang kaanak na si alyas ‘Tomboy,’ na inaresto at nakakulong  sa pulisya dahil sa kasong illegal na droga noong Abril 16 at sinabing may koneksiyon sila sa pulisya.

Naibigay umano ng complainant ang hinihingi ng mga suspek, ngunit hindi napalaya ang kaanak ni Roldan at sa halip ay muling humihingi ng P25,000 ang mga suspek upang hindi mailipat si alyas Tomboy sa QC jail.