Home>News>Metro>2 ‘carnapper’ timbog

2 ‘carnapper’ timbog

Carnapper

ARESTADO ang dalawang hinihinalang carnapper ng motorsiklo na kinilalang sina Daniel Gudalo, 28, at Michael Garcia, 39, pawang nakatira sa 221 Sicat St., Barangay 645, San Miguel Maynila.

Ang mga suspek ay dinakip matapos na magreklamo ang biktima na si Joseph Blanco.

Ayon kay Blanco, tinangay ng mga suspek ang kanyang motorsiklo mula sa Unit B-11 Victoria De Manila Tower sa Pedro Gil,.St.,Taft Ave,Manila.

Ang mga suspek ay natimbog ng mga operatiba ng District Anti-Carnaping Unit sa pamumuno nina P/Maj.Raul Salle at Police Master Sergeant Clyde Villareal ng Manila Police District sa San Miguel St.,Quiapo, Manila.

Nahaharap sa kasong violation of RA 10883 o Carnapping Act ang dalawang suspek.

Publication Source :    People's Tonight