Home>News>Metro>2 lalaki pinulbos ng bala sa QC, patay

2 lalaki pinulbos ng bala sa QC, patay

PINAGBABARIL hanggang sa mamatay ang dalawang lalaki ng mga di-pa nakilalang mga suspek sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.

Ang unang biktima ay nakilala sa pamamagitan ng kaniyang Barangay ID na si Marlon Susano, ng 66 JP Rizal, Barangay Población, Talisay, Batangas, habang ang isa pa ay inilarawan na nasa edad 55-60, nakasuot ng itim na polo shirt, asul na shorts at may tattoo sa kaliwang balikat ng “Aida Patawad Anak

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang unang pamamaril ay naganap sa G. Araneta Avenue corner Landargun Street, Barangay Santol, bandang alas- 11:50 ng gabi (January 10).

Dakong ala-1:30 ng madaling araw (January 11) ay sumunod namang pinagbabaril ang di-pa nakikilalang biktima ng supek na sakay ng black vehicle na hindi naplakahan sa Mindanao Ave. near Toyota Fairview, Bgy. Greater Lagro, QC.

Ayon sa pahayag ng saksing si Democrito Laurente, nagpapahinga sila ng kaniyang anak sa labas ng kanilang bahay nang makarinig sila ng isang putok ng baril at nakita ang bumulagtang duguang lalaki.

Sa ikalawang pamamaril, sinabi naman ng saksing si Julio Danog na naglalakad siya pauwi ng kanilang tahanan nang mamataan ang duguang nakabulagtang katawan ng di-kilalang lalaki kaya agad niyang inireport sa kanilang barangay officials.

Batay sa pagsisiyasat ng SOCO team, bukod sa tama ng bala sa ulo ay nakitaan din ng marka nang pagsakal sa leeg si Susano, habang ang ikalawang biktima ay nagtamo naman ng maraming tama ng di-pa batid na kalibre ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa motibo ng magkasunod na pamamaril sa lungsod.

Publication Source :    People's Tonight