2 pamilya nagrambol sa QC, 1 patay, 4 sugatan

September 24, 2019

Naging madugo ang alitan ng dalawang pamilya sa lungsod Quezon matapos mauwi sa rambulan na ikinasawi ng isa habang apat pa ang malubhang nasugatan.

Kinilala ni PCapt. Juan B. Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang namatay na biktima na si Edmar Aguilar, 18-anyos, binata, window installer at naninirahan sa San Pedro, Bustos, Bulacan.

Ginagamot naman sa East Avenue Medical Center ang mga malubhang nasugatan na  sina Vilma Aguilar Gomez, 47, may asawa;  James Edward Mondero Aguilar, 22, binata, construction worker at kapwa residente ng No. 152 Bayanihan-Lakatan St., Talanay-A, Bgy. Batasan Hills, QC;  ang magkapatid na sina Torde Del Rosario Tordesillas, 25, binata, Union Bank messenger, at Sonny Tordesillas Jr., kapwa naninirahan sa No. 134 Bayanihan-Lakatan St., ng nasabi ring barangay.

Agad namang binitbit sa pulisya ang mga kasama sa naganap na rambol na sina Eddie Obias Aguilar, 49, barbero, at Richard Aguilar Gomez, 19, construction worker, kapwa residente rin sa nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ni PSSgt. Rhic Rholdan ng CIDU-QCPD, ang insidente ay naganap dakong alas-11:30 ng gabi nuong Linggo sa Bayanihan-Lakatan St., Talanay-A, Brgy. Batasan Hills, ng lungsod.