2 pumatay sa tindero, wanted sa pulis

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang dalawang lalaki na pumatay sa isang empleyado ng tindahan ng litsong manok matapos na pagnakawan ang nasabing establisyemento sa Quezon City,  nitong Linggo ng gabi.

Sa ulat ng Criminal Invetsigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) agad na namatay ang biktima na si Noel Lampitao, 39-anyos, stay-in service crew ng Don C. Litson Manok na matatagpuan sa Luzon Ave., Bgy. Holy Spirit, QC.

Si Lampitao ay namatay noon din sanhi ng tama ng di-pa batid na kalibre ng baril sa ulo, habang ang kasamahan niyang si Junie Gumanid, 18, ay kasalukuyan namang ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng tama ng bala ng baril sa pisngi.

Batay sa imbestigasyon,  dakong alas-11 ng gabi, abala  sa pag-lilitson ng manok ang mga biktima nang sumulpot ang  dalawang lalaki na nagpanggap na kostumer na biglang pumasok sa tindahan at mabilis na nilimas ang P20,000 benta sa maghapon ng nasabing tindahan.