3 call center agent huli sa drug buy-bust sa QC

September 11, 2019

Tatlong call center agent ang inaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Quezon City nitong Martes ng gabi.

Sa report, unang ikinasa ang buy-bust ng mga tauhan ng Kamuning Police Station ng QCPD Station 10 dakong alas-6:40 ng gabi sa Maginoo St., Bgy. Central, Quezon City na nagresulta ng pagkakadakip ng suspek na nakilalang si Collie Quince Cabling, 23, na nakatira sa Blk.2 Lot-4 Bgy. Urban Bliss, Barangka Marikina City.

Nakabili ang poseur buyer ng shabu mula sa suspek at nang arestuhin ay nakuhanan pa siya ng isang meduim size ziplock transparent plastic sachet na naglalaman ng droga.

Sa hiwalay na operasyon na ikinasa ng mga tauhan ng QCPD Cubao Police Station 7 dakong alas-9:45 ng gabi sa tapat ng main entrance ng Farmers Plaza ay nagresulta ng pagkakadakip ng suspek na si Josephus Balaoro, 24, isa ring call center agent na nakatira sa 118 Mendez St., Bgy. Baesa, Quezon City.

Nakumpiska  kay Balaoro ang 8 piraso ng transparent plastic sachets na naglalaman ng marijuana at droga na nagkakahalaga ng P12,000.

Sa buy bust operation namang isinagawa ng mga tauhan ng QCPD Batasan Police Station 6, sa Lundayan Extention, Bgy. Baesa, dakong alas-11:30 ng gabi  ay nadakip ang isa pang call center agent na si Enderson Luna.