Home>News>Metro>4 na babae timbog sa investment scam

4 na babae timbog sa investment scam

INARESTO ng pulisya ang apat na babae makaraang ireklamo ng pitong nabiktima nito na nakuhanan ng milyong halaga ng salapi sa Quezon City, nitong Martes ng gabi.

Nahuli sa entrapment operation ang mga suspek na sina Mary Jane Duran, 47, ng Bgy. Commonwealth; Rachel Nicolas, 48, ng Bgy. Talipapa; Elizabeth Payod, 53, residente ng Malate, Manila, at Jojie Montalban, 48, ng Bgy. Bahay Toro.

Ayon sa report, ang mga suspek ay kumikilos sa Metro Manila partikular sa QC, kung saan pito na ang nabiktima at natangayan ng mahigit-kumulang sa P2 milyon.

Modus operandi umano ng apat na suspek ay aalukin ang mga biktima na mag- invest at malaking halaga ang interes ang kanilang kikitain subalit kapag nakapagbigay na ng malaking halaga ng puhunan ay hindi na mahagilap ang mga ito.

Dahil sa reklamo ay agad inatasan ng QCPD director ang hepe ng Criminal Investigation Section (CIS) na si PLt.Col. Elmer Monsalve at dakong alas – 11:50 ng gabi (January 12) ay isinagawa ang entrapment operation sa ‘hideout’ ng mga ito sa Lower Jasmin Ext., Bgy. Payatas.

Ang mga suspek ay nakapiit na sa detention cell ng CIS sa Camp Karingal habang Inihahanda na ang kasong estafa laban sa kanila.

Publication Source :    People's Tonight