980 UV Express okay na bumiyahe sa 47 routes

June 29, 2020

BINIGYAN na ng “GO” signal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 980 UV Express 47 na bumiyahe simula kahapon, Lunes, (June 29,2020) upang sapatan ang shortages ng mga public utility vehicles sa Metro Manila.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, ang mga UV Express units na bumibiyahe patungo at palabas ng Metro Manila at mga karatig lalawigan, ay maaari nang mag-operate, nang hindi na kinakailangan pang mag-aplay ng special permits.

Kasama sa mga nabuksang UV Express routes ang Meycauayan - Central Integrated Terminal (QC); Obando-MRT North Ave., QC; Sto. Niño (Meycauayan Bulacan) - MRT North Ave.; Sto. Niño (Meycauayan Bulacan) - Trinoma, MRT North Ave., Mindanao Ave.; Heritage (Meycauayan Bulacan) - SM North (QC); Marilao (Bulacan) - SM North Ave.; Sto. Niño (Meycauayan Bulacan) - Central Integrated Terminal (QC); SM Marilao (Bulacan)-SM North (QC); Malhacan (Meycauayan Bulacan)-Quezon Ave. via NLEX; Malhacan (Meycauayan Bulacan) - Central Integrated Terminal (QC); Marilao - Central Integrated Terminal (QC).

Marilao Terminal-Quezon Ave.Terminal (MRT); Turo (Bocaue, Bulacan)-Central Integrated Terminal; Turo (Bocaue, Bulacan) -Central Integrated Terminal via NLEX; Turo (Bocaue, Bulacan)) - Mrt / Quezon Ave. Terminal via NLEX; SM Marilao (Bulacan) – Central Integrated Terminal;Meycauayan–Recto; Balagtas – Monumento; Springville, Molino Bacoor - Alabang via Daanghari; Molino - Alabang via Daanghari; Molino Bacoor - Ayala Center Terminal via Skyway; Golden City (Dasmariñas)-Ayala Center; Pacita - Makati Square; Pacita Complex - Ayala Center Terminal via San Pedro Exit; Pacita Complex (Laguna) - SM Makati.

Pacita (San Pedro, Laguna) - Makati Square; Pacita Complex - Ayala Center via Southwoods Exit; Barangay Mamatid (Cabuyao, Laguna) - Festival Mall; Mamatid (Cabuyao, Laguna) - Festival Mall (Alabang); Balibago (Laguna) - SM Southmall (Las Piñas); Taytay – EDSA Central; Greenland Executive Village (Cainta) – Ayala; Rodgriguez - Sta. Lucia Grandmall (Cainta); Masinag – Ayala; Antipolo – Ayala; Antipolo - Ayala Via C5; Antipolo - Ayala Via Tikling; Antipolo - Ayala Via Circumferencial Rd.; San Mateo (Rizal) - Ayala Ave.; Binangonan - Sta. Lucia (Cainta); Binangonan-SM Megamall; Binangonan -EDSA Starmall; Binangonan-EDSA Central; Binangonan - Marikina Riverbank via LRT Santolan; Cardona - EDSA Starmall; Cardona- EDSA Central; at Morong - SM Megamall

Ayon kay Delgra, ang aprubadong guidelines para sa deployment ng 980 UV Express na bumibiyahe sa 47 ruta ay alinsunod sa ‘gradual, calibrated at calculated approach’ ng Department of Transportation (DOTr) hinggil sa pagbabalik ng public transportation sa Metro Manila sa gitna ng umiiral na General Community Quarantine (GCQ).

Siniguro naman ni Delgra na hindi nila inaalis ang posibilidad na mag-deploy na rin ng karagdagan pang modern at tradisyunal na jeepneys sa mga susunod na araw para madagdagan ang operasyon ng may 980 UV Express, depende sa passenger demand.

Kasunod nito, umapela rin si Delgra sa mga operators at drivers ng UV Express na istriktong tumalima sa guidelines na itinatakda nila sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular 2020-025, na nagsasaad na ang UV Express routes ay dapat na terminal-to-terminal, pagpapanatili ng ‘no pick up’ at ‘drop off’ ng mga pasahero at hindi pagdaan o pagbagtas sa EDSA at Commonwealth Avenue, maliban na lamang kung tatawid sila dito.

Binigyang-diin pa ng LTFRB chief na nananatili pa rin ang umiiral na UV Express fare rate na P2 per kilometer at walang fare adjustment na ipatutupad maliban na lamang kung aprubahan ng LTFRB.

Ang mga lalabag sa rules and regulations ay mahaharap sa mga fines and penalty at posibleng pagsuspinde sa kanilang biyahe.

Kabilang sa mga probisyon sa guidelines ay ang regular na pag-eksamin ng operator sa fitness ng driver para magtrabaho, pag-check ng body temperature nito at pag-screen sa mga sintomas ng coronavirus disease 2019 at pagsusuot ng mga driver at konduktor ng masks at gloves sa lahat ng pagkakataon.

Habang ang mga commuters naman ay kinakailangan ring magsuot ng mask bago payagang sumakay sa UV Express at magbayad ng eksaktong pasahe bago pa man sumakay.

Ipinaalala pa nito na dapat ring tiyakin na ang passenger load ay hindi lalampas sa dalawang pasahero lamang kada row at dapat na may pagitan sa pagkakaupo at maglagay ang operator ng impermeable barriers sa pagitan ng driver at ng mga pasahero.

Humihingi naman ng ayuda ang mga drivers at operators dahil na rin sa new normal systems ng kanilang operations.