Home>News>Metro>ACTO magsasagawa ng protesta sa harap ng LTFRB

ACTO magsasagawa ng protesta sa harap ng LTFRB

MAGSASAGAWA ng protesta ang transport group Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) sa harap ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) 10 a.m. ngayong January 11,2021 sa Diliman, Quezon City.

Ayon kay Efren de Luna, national president ng ACTO, kabilang sa kanilang iproprotesta ang P5.58 billion assistance funds mula sa Bayanihan Act 2 kung saan karamihan umano sa kanila ay walang natanggap.

Sa grupo pa lang ng ACTO, 10,000 ordinary drivers nationwide ang wala pa ring natatanggap na ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development DSWD at LTFRB. Kaya nga makikita nyo sa mga social media maging sa prime media maraming ordinary jeepney drivers ang napipilitang mamalimos sa mga kalsada,” saad ni De Luna.

Dati kami ang pinapara para isakay ang mga pasahero ngayon kaming mga jeepney drivers ang pumapara sa mga motorist para mamalimos dahil talagang sagad na kami, gutom na,” saad ni De Luna.

Paliwanag ni De Luna, karamihan sa nakinabang sa sinasabing ayuda ay yung mga malalaking corporate associations. “Kaming mga ordinary at maliliit na drivers hanggang ngayon ay naghihintay pa rin sa ayudang yan,” aniya.

Iginiit din ni De Luna na dapat ay gradually pa ring ipatupad ang modernization dahil hirap ang lahat dahil naapektuhan pa ng COVID-19 pandemic.

Ayon pa kay De Luna, naghahanda na sila ng mga documents para magsampa ng mga demanda sa mga taong nasa likod ng paghihirap ng mga ordinary drivers lalo na sa hanay ng mga jeepney.

Magtitipon tipon muna ang kanilang grupo sa Quezon City Circle bago tumulak papunta sa head office ng LTFRB.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight