Home>News>Metro>Aircon technician sinaksak, kritikal!

Aircon technician sinaksak, kritikal!

KRITIKAL ang isang aircon technician nang pagsasaksakin ng 16-anyos na estudyante bunga ng umano’y matagal na nilang alitan Lunes ng madaling araw sa Malabon City.

Kasalukuyang ino-obserbahan pa sa Tondo Medical Center ang biktimang si Richard Alto, 31, ng 665 Hernandez St., Bgy. Catmon, kung saan siya isinugod ng kanyang live-in partner sanhi ng mga tinamong tama ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Isinuko naman ng kanyang ama sa Malabon Police Sub-Station 4 ang menor-de-edad na suspek na ngayon ay nasa pangangalaga muna ng Malabon City Social Welfare Department habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya ng pulisya.

Sa ulat nina P/SSgt. Ernie Baroy at P/SSgt. Jose Romeo Germinal II, lumabas ng bahay ang biktima dakong alas-12:30 ng madaling araw upang bumili ng makakain sa pinakamalapit na tindahan nang sundan siya ng binatilyo ng armado ng patalim.

Bago pa man makarating sa tindahan, inundayan na ng binatilyo ng sunod-sunod na saksak si Alto bago mabilis na tumakas bago pa man makapagresponde ang mga nagrorondang barangay tanod.

Ayon sa pulisya, matagal ng may kinikimkim na galit ang binatilyo sa suspek sa hindi pa batid na dahilan.

Publication Source :    People's Tonight