Ama minolestiya 3 anak, arestado

September 03, 2019

Inaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos siyang ireklamo ng pambubugbog at pangmomolestiya umano ng kanyang tatlong anak na babae sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City nitong nakalipas na Linggo ng gabi.

Kinilala ang suspek na nahaharap sa kaso na si Vicente Yanong, 42, ng Bgy. E. Rodriguez, Cubao, QC na inireklamo ng pangmomolestiya at pambubugbog  umano ng tatlo niyang anak.

Ayon kay Bgy. Capt. Marciano Buena-Agua ng Bgy. E. Rodriguez unang dumulog sa barangay hall ang 13-anyos na anak ng suspek na umano’y binugbog ng kanyang tatay nitong nakalipas na Linggo ng gabi.

Nabatid sa ulat na nadiskubre ilang beses na rin umano siyang minolestiya ng suspek, maging ang dalawa pa umanong kapatid nito na may edad 11-anyos at 8-anyos, nakaranas din daw ng pang-aabuso sa kanilang ama.

Ayon kay Cherrylyn Andres ng Violence Against Women and Children Council ng Bgy. E. Rodriguez: Sinabi nito na habang iniimbestigahan ang umano’y ginagawang pambubugbog sa biktima ng sariling ama at tinatanong ang bata umamin ito na hinahawakan umano yung maseselang parte ng kanyang katawan.