Angkas rider suspindido

October 09, 2019

AGAD sinuspinde ng ride-hailing Angkas management ang isa sa mga rider nila na inakusahan ng pangmomoletsa ng kanyang babaing pasahero sa Quezon City.

“Given the severity of the accusation, we have temporarily suspended the rider pending results of the official investigation,” pahayag ng Angkas nooong Martes.

Ayon sa management nakikipagugnayan na sila sa mga authority tungkol sa serious issue na eto para sa mabilis na paglutas ng kaso.

Kung mapatunayang guilty ang suspek bukod sa criminal sanctions lifetime banned na rin ito sa kanilang opisina.

Ayon sa reklamo ng biktima, hindi siya agad inihatid ng suspek sa kanyang destination sa Eastwood, Quezon City.

Dinala siya sa madilim na lugar sa Katipunan at C.P. Garcia kung saan siya pinaghihipuan sa private parts at binastos.

Ayon sa suspek, nang makakita siya ng Barangay personnel sumigaw ang biktima kayat nahuli ang suspek.

Nasa custody ng police ang suspek at nahaharap sa mga kasong criminal.