Babaing umangkas, ginahasa ng driver

October 07, 2019

NABAHALA ang commuter group sa balitang isang commuter na babae ang ginahasa ng isang Motorcycle Network Service driver o angkas kamakalawa sa  Quezon City.

Ayon kay Jessie Santos, national president ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA), talagang alarming ang insidenteng ito na dapat agad solusyunan ng proper authority.

Paliwanag pa ni Santos totoo man o hindi dapat gumawa agad ng  precautionary actions o moves ang police, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, lalo na ang management ng motorcycle network service na involved sa krimen.

Anya dapat ang recruitment processing ng nasabing network service ay pasado sa lahat ng uri ng test bago nila payagang mag-operate upang maiwasan ang mga ganitong disturbing incident ang pangaabuso sa mga babaing commuter.

Ayon pa kay Santo mabuti nahuli ang suspek pero dapat hindi nagyayari ang ganitong mga insidente.

Ayon sa biktima, noong Sabado, galing siya sa inuman sa bahay ng isang kaibigan sa Project 6, QC at nag-book pauwi sa Eastwood.

Sa halip na ihatid sa bahay, pinaikot-ikot daw siya ng driver sa Katipunan at CP Garcia.

Ilang ulit silang huminto sa mga madidilim na bahagi ng kalsada, at dito na hinawakan ng driver ang maseselang bahagi ng katawan ng biktima.  

Nang makakita siya ng tanod ng barangay, saka siya sumigaw kaya naaresto ang driver.

Nasa custody na ng Quezon Citi Police ang suspek at naharap sa patung- patong na kaso.