Bata, 5, nalunod sa Pasig

MAY 12 oras ang nakalipas bago iniluwa ang bangkay ng isang 5 anyos na batang lalaki na pinaniniwalaang nalunod, kahapon ng madaling araw sa Pasig river sakop ng Port Area, Maynila.

Ayon kay PSSgt Marlon San Pedro, ng Manila Police District-homicide section, ala 1 ng madaling araw ng lumutang ang biktimang si  John Michael Calogne, residente ng Block 2 Aplaya, Baseco, Port Area.

Nalaman na ala 1:30 ng hapon nitong Biyernes nang huling nakita ang biktima na naglalaro lamang sa seawall ng Baseco.

Mula noon ay hindi na nakita ang biktima at nagsimulang hanapin kung saan-saan ng kanyang mga magulang pero hindi ito nakita.

Ilang residente sa lugar ang nakakita sa bata nang lumutang na ang bangkay nito sa ilog.