Binatilyo nagising sa ‘bj’ ng bading

October 28, 2019

MISTULANG idinuduyan sa alapaap ng kaligayahan ang 17-anyos na binatilyo sa kakaibang sarap na naramdaman mula sa mainit na kamay na humahaplos at pumipisil sa kanyang kaselanan, hanggang magising sa katotohanan na kamay at bibig pala ng isang bading ang nagsasamantala sa mahimbing niyang pagtulog, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.

Kaagad namang tumigil sa pagnanasa ang suspek na si Ace Luziano, 20, make-up artist at naninirahan sa katabing bahay ng biktima sa Gov. Pascual Avenue, Bgy. Potrero, bago nagmamadaling lumabas.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt, Diana Palmones ng Malabon Police Women and Children’s Protection Desk (WCPD) mahimbing na natutulog ang biktimang itinago sa alyas “Mando” nakatira sa C. Perez St. Bgy. Tonsuya, sa bahay ng kaibigan sa Gov Pascual Avenue nang malasap ang ligaya sa inaakalang panaginip dakong alas-2 ng madaling araw.

Sa salaysay ni Mando sa pulisya, naramdaman niya ang paulit-ulit na paghimas at pagpisil ng suspect sa kanyang ari na hindi niya kaagad napigilan sa pag-aakalang kamay ng magandang dilag sa kanyang panaginip ang nagbibigay sa kanya ng kaligayahan. Subalit nadismaya siya nang imulat ang mga mata at tumambad ang bading na nakasubsob na sa kanyang kaselanan.

Kaagad namang humingi ng tulong sa barangay si Mando, kasama ang kaibigan na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Ayon sa biktima, hindi niya kakilala at noon lamang niya nakita ang suspek na pinandilatan pa umano siya nang dakpin ng mga barangay tanod kaya’t nakaramdam siya ng takot.

Kasong unjust vexation ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.