Buntis patay sa Taguig ambush

February 16, 2020

ISANG buntis ang nasawi matapos pagbabarilin ang kanyang sinasakyan na van ng mga di pa kilalang suspek kahapon ng madaling araw sa Taguig City.

Ang insidente ay naganap bandang  Bgy. South Signal.

Sugatan ang asawa at ama ng nasawi na kasama niya sa van patungong Pasig City para mamili ng mga gulay.

Ayon sa mister, dalawang motorsiklo na may apat na sakay ang nagsagawa ng ambush..

Ang nasawi ay nakilalang si Michelle Sarsalego, 28, anim na buwang buntis.

Ayon sa pamilya ng mga biktima, maaaring may kaugnayan ang insidente sa kanilang negosyo. Nakatanggap na rin di umano ang pamilya ng banta ng pagpatay.                                   Tonight monitoring