Cashless transaction, masks, distancing sa PUVs isinusulong

April 29, 2020
Libreng gatas sa Quezon City
Si Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection habang namimigay ng libreng gatas sa Quezon City.

PUBLIC physical distancing dapat na paghandaan sa transport industry.

Ito ang mariing panawagan ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) dahil na rin sa ito ang magiging “New Normal” ng ating buhay sa araw-araw sa loob o sa labas man ng bahay.

Paliwanag ni Inton alam naman ng lahat na ang public transportation ay ang pinaka exposed sa lahat ng uri ng tao, kung kayat ngayon pa lang ay paghandaan na ito ng Department of Transportation, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Land Transportation Office, transport sector lalo na ng mga commuters.

Nanawagan din ang (LCSP) sa mga law enforcers na mahigpit na ipatupad ang physical distancing oras na pabalikin na sa biyahe ang mga PUV.

Dapat sa mga terminal pa lang seryoso ang lahat ay mag observed ng physical distancing, at maglagay din ang mga transport groups ng mga dedicated personnel na magpapaalala sa mga tao sa rules ng physical distancing at facemask.

Ilan sa ibinigay na suggestion ng LCSP ay huwag itaas ang presyo ng langis.

Ituloy ang pagbibigay ng special transport service sa mga frontiners. Kung maari na may special na sasakyan ang mga frontliners para makatulong sa kanilang pagpasok at paguwi at mabawasan ang mga maghihintay ng public transport.

Mandatory maglagay ng alcohol o disinfecting liquid sa mga public transportation. I-lift muna ang number coding sa pampublikong sasakyan para mas marami ang available na masasakyan samantalang limitado ang bilang ng pwedeng sumakay bawat isang unit.

Pagisipan na rin kung paano ipatupad ang "cashless transaction" sa pagbabayad ng pamasaahe para maiwasan ang suklian ng barya lalo na sa bus at jeep.

Ayon kay Inton malaking tulong ito upang hindi ma spread ang COVID-19.