Clearing operation sa QC walang tigil – Inton

October 14, 2019

Ang pronouncement ay ginawa ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection at Chief ng Quezon City Task Force Traffic, Transportation and Management (QCTFTTM) bilang pagtugon sa utos ni Mayor Joy Belmonte at President Rodrigo Roa Duterte na ibalik ang kalsada sa taong bayan.

“Hanggang kami ang nasa administration ay forever ang clearing operations sa Quezon City,” saad ni Inton.

Nauna rito, naglabas ng bagong kautusan ang Department of Interior and Local Government (DILG) na tuloy- tuloy ang clearing operation sa buong bansa at magkakaroon uli ng validation sa December kung  di patuloy na sumunod ang mga local government unit executives.

Ayon kay Inton mahigpit ang utos ni Mayor Belmonte na i-sustain ang operation ng clearing operation hanggang sa automatic na sumunod ang taong bayan sa batas na bawal mag-park at gawing garage ang mga kalsada at bangketa.

Ayon kay Inton challenge talaga na maraming motorists ang walang disciplina.

Anya sa ngayon may sarili ng vehicle tows ang Task Force, clamping at iba pang devices para tuluyang masawata ang illegal parking at garahe.