Home>News>Metro>COVID ‘wag gamitin sa cashless transaction sa tollways — LCSP

COVID ‘wag gamitin sa cashless transaction sa tollways — LCSP

HUWAG namang gamiting “tool” ang COVID-19 sa program ng cashless transaction sa mga tollways sa buong bansa.

Ito ang mariing panawagan ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), matapos sabihin ng Toll Regulatory Board (TRB) na wala sa programa ngayong taon ang maipatupad ang “interoperability” ng dalawang malaking company na nagpapatakbo ng mga expressways ng bansa (NLEX,SLEX,TPLEX,CAVITEX, CALAX,Skyway, NAIA AX Star Tollway, at MCX).

Sa December 2 deadline na ibinigay ng Department of Transportation, mahigpit na ipatutupad ang cashless transactions sa lahat ng tollways meron man o walang interoperability.

Ngayon pa lang ay nakikita na natin ang delubyong dulot ng walang interoperability,” ani Inton.

Hindi maikakaila sa mga reklamo ang mahabang pila, ang maraming reklamo sa technical difficulty ng RFID, hindi mabasang mga card, pagpalya at ayaw tumaas na mga barriers at marami pang ibang problema,” dagdag ni Inton.

Ayon pa kay Inton simple lang ang problema at solution.

Kung wala pa ang interoperability, dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ng dalawang kumpanyang nagpapatakbo ng mga tollways flexible muna tayo, pwede ang cashless pwede rin ang cash payment sa mga tollways,”saad ni Inton.

Ayon pa kay Inton, sa laki ng contract ng dalawang kumpanya na nagpapatakbo ng mga tollways ng bansa, nagtataka ang LCSP at ibang mga commuter at transport groups kung bakit nahihirapang ipatupad muna ang interoperability bago ipatupad ang cashless transactions saad ni Inton.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight