Home>News>Metro>Dagdag ruta, biyahe ng PUVs hiniling

Dagdag ruta, biyahe ng PUVs hiniling

MULING mariing nanawagan ang commuter at transport group sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na dagdagan pa ang mga routes at biyahe ng mga public utility vehicles na binubuo ng mga jeepneys pati na metro at provincial buses.

Ang muling panawagan ay ginawa ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) dahil na rin sa talamak na nagkalat na operation ng colorum sa halos lahat ng parte sa labas at loob ng Metro Manila.

Sa monitoring report ng PCMA, umaabot sa P3,500 hanggang P5,000 kada ulo ang singilan ng mga colorum na bumibiyahe sa north at southern part ng bansa.

Ayon sa grupo, walang magawa ang mga commuters sa pag-abuso ng mga colorum operation dahil wala silang masakyan at gusto rin nilang makarating sa kanilang mga pamilya.

Ang colorum operations na naniningil ng P3,500 to P5,000 kada ulo ay kinumpirma ng mga drivers at operators ng provincial bus.

Ayon pa sa confirmed information na nakuha ng grupo, lalo pa itong lumala nitong holiday season kung saan lahat ng mga commuters ay gustong umuwi ng probinsiya.

Dagdag ng grupo na delikado ang mga colorum na biyahe dahil hindi nasusunod ang health protocol na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF). Wala rin umanong mga personal insurance ang mga ito na sasagot sa mga commuters kung magkaroon ng mga malulubhang aksidente sa kalsada.

May mga report din na nakuha ang grupo na ilan sa mga driver ng mga colorum ay under the influence ng mga illegal substance habang nasa biyahe.

Nanawagan ang grupo sa IATF maresolbahan agad ang mga nasabing issue.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight