Dalaga nagising sa halik, ‘kalikot’

August 19, 2019

NAALIMPUNGATAN sa pagtulog ang 20-anyos na dalaga nang maramdaman ang mainit na dampi ng mga halik sa kanyang leeg at dibdib, pati na ang mapangahas na pagpasok ng daliri sa kanyang kaselanan kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nang imulat ng biktimang itinago sa alyas “ Cherry” ang kanyang mga mata, nagulat siya nang masilayan ang mukha ng 16-anyos na binatilyong si “Rey” (hindi tunay na pangalan) at mistulang hayok na hayok sa kanyang halos hubad ng katawan na walang tigil sa paghalik sa kanyang dibdib at pagkalikot sa maselang parte ng kanyang katawan.

Inubos ni Cherry ang kanyang lakas at itinulak ang pangahas na binatilyo bago nagmamadaling tumayo at lumabas ng bahay na pag-aari ng kanyang kaibigan sa 404 Pascual St., at humingi ng tulong sa barangay na nagresulta sa pagkakadakip sa binatilyo.

Sa inisyal na impormasyong nakarating sa tanggapan ni Valenzuela police chief P/Col Carlito Gaces, nag-anak sa binyag ang biktima at matapos ang okasyon, inimbitahan siya ng kanyang mga kumare at kumpare sa isang inuman sa naturang bahay.

Dahil sa kalasingan, nakatulog si Cherry sa naturang bahay hanggang sa maalimpungatan siya dakong alas 8 ng gabi matapos maramdaman ang ginagawang pagmolestiya sa kanyang katawan ng binatilyo.