Dating airman nagbaril sa ulo

Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo ang isang 86-anyos na retirado ng Philipine Airforce (PA) na diumano ay may iniindang karamdaman nitong Sabado ng gabi.

Sa inisyal na imbestigasyon ni Pat. Julius Vinasoy ng CIDU, bandang alas-7:30 ng gabi  ng matagpuan ang  duguang bangkay ng biktima sa kanilang tahanan sa Bgy. St., Ignatius, QC.ng kaniyang caregiver.

Ayon sa caregiver, lumabas lamang siya sandali upang magtungo sa Daily 2 Go Store para bumili ng ice drop, subalit pagbalik niya ay bumungad sa kaniya ang duguang katawan ng matanda na nakabulagta sa kama.

Agad na humingi ng saklolo ang caregiver sa kaniyang kasama na siya namang nagreport sa pulisya.

Una dito ay na-confined ang biktima sa Philippine Heart Center nitong Oktubre 10 dahil sa mga sakit na low blood pressure, heart problems, prostate cancer, at thyroid  at na-discharged  nitong Oktubre 25.

Nasamsam ng SOCO team na pinamumunuan ni PMaj. Joseph Infante sa crime scene ang 1 cal. 38 Smith and Wesson na may lamang mga bala at isang basyo nito na ginamit ng biktima sa pagpapakamatay.