Driver, konduktor kulong dahil sa pambubugbog

November 22, 2019

Magkasama sa kulungan ang isang bus driver at kasamang konduktor makaraang pagtulungang bugbugin ang isang tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sumita sa kanila sa ‘loading bay’  sa Quezon City, kahapon  ng umaga.

Ang biktima ay nakilalang si Arvin Gapay, miyembro ng Sidewalk Clearing Operations Group ng MMDA at nakatalaga sa loading area ng EDSA Robinson Mall. Siya ay dinala sa Medical City upang ipagamot ang tinamong mga pasa at sugat sa ulo at katawan.

Ang  mga suspek na sina Harold Dave Reyes, bus driver at konduktor na si   Ronnie Sambayon, kapwa  ng Diamond Star Bus na may biyaheng  Baclaran at Malanday ay agad namang dinampot ng mga awtoridad.

Base sa ulat, dakong 7:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loading bay, Robinson Mall sa bahagi ng EDSA-Ortigas northbound sa nasabing lungsod.

Lumalabas na sinita ni Gapay ang driver bunsod na rin sa matagal na itong naka-istambay sa loading area at naghihintay ng mga pasahero dahilan upang magkabuhol-buhol ang daloy ng trapiko sa lugar.

Operations Officer 2 Jeffrey Torres sa isang panayam.

Nakapiit na ang mga suspek at inihahanda na ang mga kasong serious physical injury, obstruction, resisting arrest at disrespect to  a person in authority at driving with invalid license nang mabuko na expired na ang gamit na lisensiya ng driver.