Home>News>Metro>Driver nagbigti dahil sa problemang pinansiyal

Driver nagbigti dahil sa problemang pinansiyal

NAGBIGTI ang isang driver dahil umano sa problemang pinansiyal Lunes ng gabi sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 9: 40 p.m. (November 9) nang matagpuan ang nakabigting katawan ng 33-anyos na driversa Bgy. Pasong Tamo, QC.

Batay sa imbestigasyon ni PMSg. Roldan V Cornejo ng CIDU-QCPD, inutusan umano ng kaniyang ina ang kapatid ng biktima na silipin siya sa kaniyang silid.

Subalit pagbukas umano ng pintuan ay bumungad sa kanya ang nakabigting katawan ng kapatid sa kisame.

Agad na inalis ang biktima sa pagkakabigti sa kisame at isinugod sa Quezon City General Hospital (QCGH) subalit idineklara itong dead-on-arrival bandang alas-10:15 p.m. ni Dr. King John Soon.

Tumanggi naman ang pamilya ng biktima na paimbestigahan pa ang insidente dahil kumbinsido silang nagpakamatay ito dahil sa problemang pinansiyal.

Publication Source :    People's Tonight