Home>News>Metro>EDSA Bus Carousel, pagsara ng U-turn slots pinuna ng LCSP

EDSA Bus Carousel, pagsara ng U-turn slots pinuna ng LCSP

KULANG sa preparation sa panahon ng pandemic ang EDSA Bus Carousel at pagsasara ng u-turn slots, ayon sa isang commuter at transport advocate.

Ayon kah Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), tutol ang kanilang grupo sa patuloy na implementation ng EDSA Bus Carousel lalo ngayong panahon ng pandemya.

}Una unprepared ang mga support infrastructure ng programa nito. Ngayon pa lang at unti-unti lang ang ginagawa tulad ng mga waiting sheds, hagdanan sa mga footbridges sa island ng EDSA,” ani Inton.

Ngayon nga ay nakikita na ang malaking impact sa mga motorista ng malasadong dito. Si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman at ngayon ay Cong. Bayani Fernando ang naglagay ng u-turn sa EDSA upang lumuwag ang daloy ng traffic. Kapag inalis yun ay dapat preparado ang mga otoridad para sa kapalit na sistema,” dagdag pa ni Inton.

Walang alternate route ang mga motorista. Sa amin sa LCSP ay mas pabor kami na buksan, hindi isa, hindi dalawang u-turn slots, kundi lahat HANGGANG WALA PANG IPAPALIT NA INFRASTRUCTURE SOLUTION para sa motorista. Maaring madagdagan ang oras ng biyahe ng mga buses pero gasino na lamang ito kung mapapaluwag naman ang pangkalahatang traffic sa EDSA. Huwag naman sanang isakripisyo ang tayong bayan o ang mga motorists,”saad ni Inton.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight