Home>News>Metro>Ex-Rizal Gov. Yto Ynares itinalagang Pres’l Adviser for Southern Tagalog

Ex-Rizal Gov. Yto Ynares itinalagang Pres’l Adviser for Southern Tagalog

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Rizal Governor Casimiro “Ito” Ynares, Jr., bilang Presidential Adviser for Southern Tagalog.

Pursuant to the provisions of existing laws, you are hereby appointed as Presidential adviser for Southern Tagalog, Office of the President,” nakasaad sa appointment paper na pirmado ni Pangulong Duterte noon pang December 2020.

Nangako naman si Secretary Ynares na tutuparin ang tungkulin sa abot ng makakaya.

Maraming salamat po, Pangulong Rodrigo Duterte sa inyong tiwala. Isa pong karangalan ang kilalanin at pagkatiwalaan ang isang Rizalenyo at makabahagi sa pagsulong ng mabuting pamamahala sa ating kapwa Pilipino,” pahayag ni Secretary Ynares.

Nasa ilalim ng Southern Tagalog ang CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) at MIMAROPA (Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan).

Nagsilbing gobernador si Secretary Ynares ng Rizal Province mula 1992– 2001 at mula 2004–2007.