Home>News>Metro>Gadget giveaway ni Revilla tagumpay!

Gadget giveaway ni Revilla tagumpay!

Higit 2K gadgets, P.5M naipamahagi

MATAGUMPAY na namang nairaos ang panibagong Gadget Giveaway matapos na muling pagbigyan ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. ang hiling ng napakaraming guro, mag-aaral at mga magulang na muling mamahagi dahil maraming mag-aaral pa ang nangangailangan.

Mas sumaya ang muling pagbabalik ng KAP program, ang KAALAMAN, ATING PALAWAKIN, upang magkakaroon ng Gadget Giveaway dahil nakapamahagi ng 1,600 flare tab, 230 cellphone, 70 tablet, 100 phablet 50 tablet, 48 laptop na umabot sa kabuuang 2,098 lahat-lahat.

Bukod sa dalang kasiyahan ay naging isang halimbawa rin sa ibang pulitiko upang maingganyong mamahagi rin ng mga gadget, na isang napakagandang simulain na tinutularan na ng marami upang mas marami ang makinabang.

Noong nakaraang Linggo ng alas 6 ng gabi ay muli itong tinutukan ng marami at umabot sa 47,000 shares, 531,000 views, 32,000 positive reactions at 32 million reach sa kabuuang limang episodes at nitong pinakahuli ay umabot ng limang milyong reach ang naturang ‘live program’ sa Youtube at Facebook na pinangunahan mismo ni Revilla.

Bukod sa naipamahaging gadget ay nagkaroon din ng pagkakataon ang mga hindi nabunot ngunit tumawag lamang sa gitna ng programa at ang mga nasagot ni Revilla ay nakatanggap agad ng P100,000; P50,000; P20,000 at P15,000 na umabot sa kalahating milyong pisong cash sa kabuuan ang naipamahaging salapi.

Matatandaan na nagsimula ang pamamahaging ito noong Septyembre 25, nang magdiwang ng ika-54 kaarawan si Revilla at dahil pandemya ay hindi na ito nagsagawa ng salu-salo at minabuting mamahagi na lamang ng mga gadget na tumatagal ng limang gabi.

Nakapamahagi si Revilla noong kaniyang kaarawan ng 1,500 tablet, 230 cellphone, 100 phone tablet at 28 laptop at 200 guro ang nabiyayaan ng gadgets at ang kabuuan ay sinigurong naipamahagi ng pantay sa malaking bahagi Luzon, Visayas, Mindanao at National Capital Region (NCR) para magamit sa blended learning.

Kung kaya ko lang bigyan ang buong bansa ginawa ko na, kaya nga idinadaan natin sa raffle para pantay ang pamamahagi, kaso marami pa rin ang nakikiusap na muli tayong mamigay, kaya pinagbigyan nating mamahagi muli” pahayag ni Revilla.

Kasabay ng naturang ‘live program’ ay ang promosyon ng Agimat ng Agila na malapit nang ipalabas sa GMA 7, ang teleseryeng si Revilla mismo ang bida at ang dokumentaryong ‘Ramon’ na ipapalabas sa GMA News TV sa Oktubre 25, ganap na alas 9 ng gabi patungkol naman sa buhay ng namayapang si Ramon Revilla, Sr. na mismong ang apong si Bryan Revilla ang direktor.

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large