Home>News>Metro>Gatchalian suportado ng transport group

Gatchalian suportado ng transport group

SUPORTADO ng commuter at transport group ang decision ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ma i-cancel ang mayor´s permit ng operator ng North Luzon Expressway (NLEX) kung hindi pa maayos ang operation ng RFID.

Ayon sa grupo, makatwiran ang decision ni Gatchalian dahil mula ng simulan ang full implementation ng RFID, imbes na ginhawa kalbaryo ang dulot nito sa mga motorists.

Dagpag pa ng grupo na kita at dama ang effect ng hindi pa handang implementation ng RFID, ang traffic, panahon, at gastos sa gasolina, estimate ng grupo milyon-milyon ang nasasayang dahil sa hindi handang operations ng RFID.

Ganito rin ang napuna umano ni Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) founder Atty. Ariel Inton, mula ng ipatupad ang RFID nitong December 1,2020.

Mantakin ko madaling araw pa lang nakapila na ang mga motorists at umabot ng kilo-kilometro ang pila, saad ni inton.

Sa maraming reklamo din na natanggap ng LCSP, nagtataka sila kung bakit hindi na consume ang lahat ng load ng RFID.

Ibinigay na halimbawa ni Inton ang P500 load na P400 lamang ang nagagamit.

Naiiwan ang P100 at bakit, wala naman money back,? Sino ang nakikinabang sa perang naka load at hindi nagagamit?,” tanong ni Inton.

Okey lang ang kumita dahil negosyo pero dapat ay public service muna bago profit dahil lahat ay apektado ng RFID controversial controversial na ito, dagdag pa ng grupo.

Publication Source :    People's Tonight
Jun I. Legaspi
Reporter, People's Tonight