Ginang nabiktima ng ‘Budol Gang’

October 23, 2019

LUHAANG dumulog sa pulisya ang 52-anyos na ginang matapos mabiktima ng kilabot na “Budol-Budol Gang” habang namimili sa isang tindahan ng aklat kamakalawa ng umaga sa Muntinlupa city.

Mahigit P1 milyong halaga ng mga alahas at salapi ang natangay ng mga suspek sa biktimang si Jaenchen Delisa, nakatira sa Aspen Tower Condominium, Parkway Place, Filinvest, Bgy. Alabang.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-10:40 ng umaga, habang namimili sa isang bookstore sa isang mall sa Bgy. Alabang ang biktima nang lapitan ng isang babaeng nagpakilalang Koreana at nagtanong kung saan matatagpuan ang isang binanggit na pangalan ng pabrika na bibilhan niya ng produkto para sa kanyang negosyo.

Habang nag-uusap ang dalawa, isa namang babae ang lumapit at sinabing alam niya kung saan matatagpuan ang sinasabing pabrika at napapayag pa ang biktima na samahan ang umano’y Koreana.

Sumakay ang tatlo sa isang van na minamaneho ng isang lalaking kasabuwat ng mga suspek at dinala sila sa isang hindi binanggit na lugar kung saan matatagpuan ang pabrika at dito’y sinalubong sila ng isang babaeng nagpakilalang may-ari.