Hiling ng LTOP P2 taas ng pamasahe

December 30, 2019

KINUMPIRMA ni Orlando Marquez, national president ng Liga ng Transportasyon at Opereytor sa Pilipinas (LTOP), ang hiling nilang P2 increase sa regular fare ng jeepney.

Kaugnay nito sinigurado rin ni Marquez, kasama ang iba pang mga itinuturing na major transport groups na walang mangyayaring “Tigil Pasada” sa kabila ng kanilang hiling sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na itaas ang pamasahe sa P12.00 sa regular fare mula sa kasalukuyang P9.

Sa exclusive interview kahapon kay Marquez, sinabi nito na ngayon pagbukas ng office ng LTFRB 2020 pormal na mag-pafile ng consolidated petition of fare increase ang kanilang grupo at hiling ang immediate implementation nito sa lalong madaling panahon.

Paliwanag ni Marquez na siyang spokesperson ng grupo kung ilang taon na rin ang pinagantay ng tranpsort group sa fare increase at ngayon 2020 talagang wala ng choices at dapat ng itaas sa P12 ang regular fare sa jeepney (first 4 kilometer.)

Ang patuloy na pagtaas ng petroleum products, (diesel at gasolina), ang spare parts ng mga sasakyan triple na ang itinaas, battery, Value Added Tax sa petroleum products, ilan sa mga dahilan ni Marquez kung bakit dapat itaas na sa P12 ang regular fare sa jeepney.

Inamin din ni Marquez na maging sila bilang mga leaders at mga pamilya ay apektado rin ng fare increase sakali ibigay na ng LTFRB ng ipatupad ito.

“Sumasakay din kami ng jeepney maging ang aming mga anak, kamag -anak at mga pamilya,” saad ni Marquez.

Nilinaw din ni Marquez na ang 20% discount sa mga senior citizens, students at person with disability o (PWD) ay patuloy na iginagalang ng lahat ng driver lalo na sa hanay ng jeepney.

Umaasa ang transport sector na mabilis na aaksyunan ng LTFRB ang kanilang hiling na fare hike, saad ni Marquez.