Indian nanakal ng enforcer

February 13, 2020

SINAKAL ng isang Indian national ang traffic enforcer na sumita sa kanya matapos tumawid sa hindi tamang tawiran kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Bukod sa paglabag sa Anti-Jay Walking Ordinance ng lungsod, sinampahan din ng kasong direct assault ng pulisya si Chirag Parajapat, 22, estudyante ng 59C Silangan Park, Brgy. Marulas.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Valenzuela police chief P.Col. Carlito Gaces, nagmamando ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng MacArthur Highway, kanto ng Villa Theresa Subdivision sa Marulas si Jedah Dagaraga, 32, pedestrian enforcer ng Valenzuela city nang makita niya ang dayuhan na tumatawid sa hindi tamang tawiran.